Miyerkules, Abril 8, 2009

Pahayag ng PLM sa Araw ng Kababaihan

Pahayag ng Partido Lakas ng Masa sa Araw ng Kababaihan
Marso 8, 2009

Hindi dapat ipapasan sa kababaihan ang krisis pang-ekonomya!
Itigil ang mga tanggalan! Moratoryum sa lay-off!


Napakatinding pinapasan ng mga manggagawa at maralita ang krisis pang-ekonomya ng kapitalistang sistema. Matinding tinamaan ang uring manggagawa at ang maralitang kababaihan. Lumaki ng may 10.7 milyong katao ang bilang ng nawalan ng trabaho mula 2007 hanggang 2008, ang pinakamataas na taunang paglaki mula 1998. Ang mga kababaihan sa partikular ang talagang tinamaan. Ang pagkawala ng trabaho ay lumaki mula 6.3% sa kababaihan kung ikukumpara sa 5.8% ng kalalakihan (ILO, 2009). Iniulat ng ILO na ang pandaigdigang kawalan ng trabaho ay lalaki pa ng 51 milyon sa 2009 at ang mga kababaihan ang matinding tatamaan.

PAGKAWALA NG TRABAHO, PAGBABA NG KITA

Sa Pilipinas, ayon sa ekonomistang si Benjamin Diokno, 11 milyong manggagawa ang maaaring mawalan ng trabaho sa pagtindi ng krisis sa ekonomya nitong 2009. Noong 2008, ayon sa mga mananaliksik ng ILO, may 250,000 manggagawa na sa mga planta ng makina at asembliya ang natanggal sa trabaho. Kung isasama ang mga manggagawa mula sa pabrika ng elektronics at garment & textiles, ang bilang nito’y mahigit pang 300,000 na natanggal ng nakaraang taon, kung saan halos lahat ay noong Oktubre nang tumindi na ang krisis pang-ekonomya. Ang sinasabi ng DOLE na nasa 40,000 manggagawa lamang ang natanggal ay isang kasinungalingan!

Ilan sa mga industriyang matinding tinamaan ay ang garments, textiles at electronics. Nasa 72.3% ng lakas-paggawa sa electronic ay pawang kababaihan at 86.5% naman sa sektor ng garments. Napakatinding tinamaan ang Calabarzon. Mula 7 hanggang 8 sa 10 natanggal sa mga export processing zones (EPZs) ay pawang mga kababaihan. Mga kababaihan din ang mayorya ng may bantang matanggal sa trabaho sa apat na pabrika ng electronics sa Cavite Economic Zone sa Rosario, Cavite. Nagdurusa rin sa pagbawas sa sahod ang mga manggagawang kababaihan sa mga EPZ dahil sa iskemang pagsiksik ng trabaho kada linggo, kung saan pinahihintulutan lamang na magtrabaho ang mga kababaihang manggagawa ng dalawa hanggang tatlong araw bawat linggo.

Samantala, libu-libong OFWs ang nagbabalikan sa bansa dahil nagsarahan ang kanilang mga pabrikang pinagtatrabahuhan. Ilan sa matinding naapektuhan ay ang mga manggagawa sa pabrika sa Taiwan, at mga manggagawang domestic sa Singapore, Hongkong at Macau, na ang mayorya ay mga kababaihan. Nahaharap naman ang mga may trabaho pang manggagawa sa mga atake sa kanilang sahod at kalagayan sa paggawa sa pamamagitan ng pagbabawas sa sahod bilang resulta ng pinaliit na oras-paggawa, pagsuspinde ng pagpapatupad ng mga patakaran sa sahod, kontraktwalisasyon at pagpapagawa sa labas, pati na rin pagbabawas sa overtime at mga pista opisyal.

Napakalinaw ng epekto ng lahat ng ito – ipinapapasan sa mga manggagawa, lalo na sa mga kababaihan, ang tindi ng krisis pang-ekonomya. Ang mga pagkawala ng mga trabahong ito ay kumakatawan sa matinding pag-atake sa pamantayan ng pamumuhay ng uring manggagawa, lalo na ng mga kababaihan.

Sa badyet ng 2009, gagastos ang gobyerno ng P7,391.54 bawat tao para sa pagbabayad-utang habang naglalaan lamang ng P2,050.98 bawat tao para sa edukasyon, P301.52 para sa kalusugan, P57.48 para sa pabahay at P112.80 para sa panlipunang serbisyo. Sa kalagayan ng krisis, ang nasabing badyet ay malinaw na laban sa kababaihan at laban sa mamamayan. Ang mga kabawasang ito ay tatama sa mga manggagawang kababaihan, lalo na sa mga maralitang kababaihan.

PAGBAGSAK NG EDUKASYON NG KABATAANG BABAE AT KALUSUGAN NG KABABAIHAN

Dahil sa walang maayos na pinagkukunan ng ikabubuhay, pinatitigil na ng pamilya ng manggagawa ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Noong 1977 Asian crisis, lumaki ang bilang ng mga batang manggagawa sa Pilipinas, at nabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na babae sa lahat ng antas, kumpara sa mga lalaki. Mula 1997 hanggang 1998, lumaki ang bilang ng mga nag-aral na batang lalaki habang lumiit naman sa mga batang babae. Ang mababang sahod at mataas na presyo ng pagkain ay nagtulak para tipirin ang pagkain sa bahay. Minsan di na kumakain ng almusal ang mga ina at asawa para may sapat para sa buong pamilya. Nanganganib naman ang mga buntis at nagpapasusong ina dahil sa di mabuting nutrisyon.

PAGBIGAT NG PASANIN NG KABABAIHAN

Lalong bumigat ang pasanin ng mga kababaihan. Noong krisis-pinansyal sa Asya noong 1997, lumaki ang bilang ng nawalan ng trabaho, ngunit ang lingguhang oras-paggawa ay nabawasan sa kababaihan habang tumaas sa kababaihan. Ito’y dahil sa pagtaas ng bilang ng oras-paggawa na isinagawa ng mga kababaihang nakabase sa bahay na nagtatrabaho ng kontraktwal, kung saan kumukuha pa sila ng ikalawa o kahit ikatlong trabaho ng panahong yaon. Ang paglaki ng oras na ginagamit ng kababaihan sa paggawang binabayaran ay nasa ituktok ng kanilang di-bayad na trabahong pambahay, kung saan walong oras bawat araw ang ginugugol nila sa paglilinis at pag-aayos ng bahay at pag-aalaga ng bata, kumpara sa 2.5 oras na ginugugol ng kalalakihan. May mga paglawak din ng karahasan sa bahay at naliligalig ang pamilya dahil na rin sa mga problemang pangkabuhayan. Noong Asian crisis ng 1997, lumaki ang bilang ng karahasan sa kababaihan, lalo na ang prsotitusyon ng kababaihan at kabataan.

ANG HUWAD NA “STIMULUS PACKAGE” NI GMA

Ang ’solusyon’ ng rehimeng Arroyo ay ang malawakang tulong sa mga mayayaman at pagtindi ng pag-atake at pagsasamantala sa uring manggagawa at maralita. Ang “economic package” na inihahanda nito ay nakakatulong sa mga kapitalista at sa mga korporasyon sa anyo ng pagbawas sa buwis habang nagbibigay ng maliit lamang na “pangkabuhayang proyekto” sa manggagawa sa anyo ng mga “emergency employment opportunities.” Sa inorganisa ng Malakanyang na crisis summit, iminungkahi nito na lumikha lamang ng maiiksing trabaho, tulad ng pagtatanim ng puno, pagwawalis sa kalsada, kabilang pati ang “proyektong pamamahagi ng mga kambing”. Nakakatawa ang mga mungkahing ito kung itatapat sa malawakang pagdurusang nararanasan ng mga manggagawa dahil sa mga tanggalan at pagliit ng sahod. Ito’y isang huwad na stimulus package, isang taktika lamang ng administrasyon para sa pagbili ng boto sa nalalapit na eleksyong 2010.

Iminumungkahi rin ng pamahalaan ang paggamit ng P12.5 Bilyon mula sa pondo ng SSS para sa stimulus package. Muli, pinipiga nito ang dugo ng manggagawa at isa itong garapal na pagtatangkang pagbayarin ang mga manggagawa sa krisis ng sistema. Iminumungkahi rin ng pamahalaan ang P2 Trilyong ’pamumuhunan’ sa mga proyektong imprastruktura, kung saan ang 70% nito ay mapupunta sa sektor ng transportasyon at enerhiya. Kung pagbabatayan ang malawakang katiwalian at pagnanakaw mula sa malalaking proyektong imprastruktura, ito’y isa na namang malaking ambag kay GMA at sa kanyang mga alipores. Sa kabilang banda, magreresulta ang mga proyektong ito sa demolisyon ng malalaking komunidad ng maralita, at magdudulot ng dagdag na pahirap sa mga maralita ng lunsod.

Samantala, nagpapatuloy ang pagsasapribado ng mga pag-aari ng gobyerno. Ito’y pagpapatuloy ng mga patakarang neo-liberal sa anyo ng malalaking regalong korporasyon sa mga mayayaman at pagpapasidhi ng pagsasamantala at pagdurusa ng uring manggagawa at maralita.

ANG ALTERNATIBA NG PLM

Hindi dapat ipapasan sa mga kababaihan ang krisis ng sistema. Iminumungkahi ng PLM ang isang alternatibong makamasang economic package.

> Dapat na magsimula ito sa proteksyon ng trabaho at agarang pagtigil sa tanggalan ng trabaho,

> Tunay na paglikha ng trabaho upang pasiglahin ang pambansang konsumo at pagbalik sa normal na kalagayan ng ekonomya,

> Muling pagsasaayos ng istruktura ng ekonomya upang kumalawa sa mga neo-liberal na patakarang nakaasa sa pag-eksport ng mga produkto.

> Ang plataporma ng PLM ay nananawagan din para sa mga sumusunod na kaugnay na patakaran.

> Ang pagsasabansa ng mga bangko at mga institusyong pinansyal sa ilalim ng popular na kontrol upang tiyakin na ang mga pondo ay magagamit sa panlipunang pag-unlad na nakakalikha ng mga trabaho.

> Ang mga libreta de bangko ay dapat na buksan; ang matamang pamamahala ng bangko ay dapat na mapatibay, at ang pambansang sistema ng pagbabangko ay dapat na gawing mga institusyon ng serbisyo publiko, kung saan ang mga naipon ng mamamayan ay inilalagak at ginagamit sa kapakanan ng marami.

> Ang paglaki ng alokasyon ng badyet para sa gastusing panlipunan. Ang mga prayoridad ay ang seguridad sa trabaho, nakabubuhay na sahod, kalusugan at edukasyon, pabahay, suporta at proteksyon sa mga sektor na impormal.

> Para sa mga OFWs, isang agarang panlipunang pondo, na may kalangkap na pagbibigay ng disenteng trabaho at pamamaraan ng kabuhayan.

> Ang pagtatakwil sa nakakaperwisyong utang at ang agarang moratorium sa pagbabayad ng utang.

> Buwisan ang mayayaman, hindi ang mamamayan. Alisin ang VAT.

> Pagwawakas sa digmaan at mga paggastos sa digmaan sa Mindanao, at ang paglilipat ng gastusin sa digmaan tungo sa paglikha ng trabaho.

> Para sa mga magsasaka at manggagawang agrikultural, pagpapatupad ng repormang agraryo kasama ang programang lupa para sa walang lupa, kakayahang maglabas na perang agrikultural at ayuda, seguridad sa trabaho at kakayahan sa pamilihan.

> Kabayaran para sa mga di bayad na trabaho ng kababaihan sa bahay, tulad ng nakasaad sa saligang batas ng Venezuela.

> Pagtiwalag mula sa IMF, World Bank at ADB.

> Pagpapatupad ng gender budgeting sa pambansang pang-ekonomya, kabilang ang budgeting sa lahat ng ahensya ng gobyerno, upang tiyakin na makikinabang din ang mga kababaihan sa lahat ng patakarang pang-ekonomya.

Tinitiyak ng mga pamamaraang ito ang muling pamamahagi ng yaman mula sa mga elitista tungo sa uring manggagawa’t maralita. Ngunit tanging ang isang gobyerno ng masa, na may sosyalistang oryentasyon, ang may panlipunang pagkukusa upang ipatupad ang ganitong pamamaraan. Dapat na malagot ng ganitong gobyerno ang sistema ng tiwali at maaksayang pamumuno ng mga elitista at maghandang isulong ang tunay na pagbabago ng sistemang panlipunan. Ang ganitong gobyerno ang pinaninindigan ng PLM.

Biyernes, Hulyo 4, 2008

Pambungad sa nobelang Banaag at Sikat (1906)

PAUNAWA

[Ang sumusunod ang Pambungad ni Macario Adriatico sa nobelang Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos, Maynila, Disyembre 1906. Ni-retype ni Greg Bituin Jr., ng pahayagang Obrero upang maipalaganap sa kasalukuyang henerasyon at basahin din ang nobelang nabanggit.]


Hindi lihim sa kaibigan kong Lope K. Santos , na ako’y di lubhang sang-ayon sa nilalayon o inaadhika ng BANAAG AT SIKAT. Mula pa nang mapuna ko ang pakikipagtalo ni Delfin at ni Felipe kay Don Ramon, sa “Batis ng Antipulo,” ay akin nang nasabi sa ilang kamanunulat sa wikang Tagalog, na, sa ganang akin, ay totoong napakasulong o totoong napakaaga ang “pamamanaag at pagsikat” ng nakapapasong init ng “Araw ng Sosyalismo,” dito sa mga bayang silanganin. Ang lahat ng ito ay pawang talastas ng aking kaibigan.

Datapwa’t isang kataka-taka! Walang napili, walang napitang hingan ng kaunting pagod, upang malagdaan ng Paunawa ang kanyang BANAAG AT SIKAT, maliban sa akin. Dahil dito’y sumilid sa gunamgunam ko na wala ngang makapangangahas sumulat ng BANAAG AT SIKAT kundi si G. Lope K. Santos. Karaniwang ugali ng mga manunulat ang pumili ng isang bunyi at lantad na ginoo, upang lagyan ang isang katha ng isa namang Paunawang ipagkakapuri ng kumatha. Si G. Lope K. Santos ay lumihis sa dati o luma nang tuntuning iyan, at siya’y lumihis, marahil, sapagkat ang BANAAG AT SIKAT ay ibang iba sa “mga aral at sulit, mula pa sa utos ni Moises,” kung dito rin lamang sa Sangkapuluang Pilipinas. At dahil dito naman, nang malubos ang kabaguhan ng palakad, pinili niya’t pinakiusapang magbigay-paunawa akong maramot magkaloob ng walang wastong papuri.

Tutupdin ko ang pangako, pangakong matibay na isiwalat ang buong katotohanan, – sa sarili kong pagmumunimuni – na mapupuna sa BANAAG AT SIKAT.

Napansin ko agad ang pangalan ng katha. Pagkabasa ko na ng una pang lathala o labas ng pahayagang Muling Pagsilang, ay naalaala ko ang maraming bansag na katha naman sa Europa, katulad ng Aurora Social, Aurora Roja, Trabajo, atbp., samakatwid, ay ipinalalagay kong may inihahayag na ritong “salitang-katha” o novela, na bagung-bago o di pa kilalang gawin sa kapilipinuhan: Novela Socialista!

Di ako nagkamali. Ang BANAAG AT SIKAT ay isang pagbubukang- liwayway ng “Araw ng Sosyalismo” dito sa Pilipinas. Ang ano mang aklat ay isang pagkain ng pag-iisip at damdamin, na inihahandog sa mambabasa, at palibhasa’y bagong pagkain ang BANAAG AT SIKAT, akin munang pinagmalas-malas, saka tinikman, tuloy nilasa at pinakiramdaman sa aking sarili at sa iba pang mambabasa, kung nakabubusog at di naman nakasisira. Ang kawikaan ko baga’y di ganoong-ganoon lamang ang maghayag o kumatha ng isang salaysaying sosyalista. Kinakailangang bihasa at matalinong pilosopo, masuri at mawilihin sa Istorya, at lalo pa sa lahat ng bagay na ito, kailangang ang kumakatha’y may kabatirang ukol sa pasuluk-sulok ng buhay, pag-uugali at pangangailangan, una-una, ng sangkatauhan; ikalawa’t higit pa, ng bayang kinaaaniban ng manunulat. – Ang lahat ng hiyas na ito ng pag-iisip, ay mapapanood kaya natin sa BANAAG AT SIKAT? Kayo, mga mambabasa, ang bahalang magmasid at magkuru-kuro. Wala akong ipinahahayag kundi ang sarili kong palagay, palagay na imbi sapagkat bunga ng kaunti kong kaya.

Mahusay at maliwanag ang pagkakalathala ng mga buhay-buhay at salitain sa bawat bahagi ng katha; dalisay ang mga pangungusap; maayos ang pagkakapanig ng mga tugmang ukol sa mga personahe. Bawat bahagi ay nasasabugan ng masasamyong bulaklak, ng maayos na pananalita, at nahihiyasan ng mahahalagang pagkukuro at pagninilay-nilay. Sa akala ko, ito’y isang halimbawang ipinakita ng kumatha, at dapat tularan. Ang BANAAG AT SIKAT ay hindi masasabing isang pagkakatagni- tagni lamang ng sari-saring salaysayin; hindi nga, ang bawat bahagi niya ay isang pamukaw ng damdamin at paliwanag sa isip, kaya nga’t di nagkasiya ang kumatha na pawilihin lamang ang mga mambabasa sa maririkit na pananalita, o sa pagsasalaysay ng mga maligayang udyok o handog ng buhay, kundi naman inihahanay ang mga mahahalagang suliraning dapat litisin at bigyang-pasiya upang maging palatuntunang dapat sundin sa ikapagttamo ng lalong maginhawa, kung di man ng maligayang pamumuhay.

Isang bagay, sa akala ko, ang nakalingatan ng kumatha. Wari’y sa pagkawili niya nang labis sa mga maririkit na damit at hiyas nina Delfin, Felipe at Meni, ay di pinakabuti ang pagbanghay sa kani-kanilang pagkatao at katayuan. Nakaliligayang malasin ang karangalan ng ugali at kadakilaan ng mga damdami’t pangangatwiran ni Delfin at Felipe, datapwat di ipinaliwanag na mabuti sa atin ang kanilang inuugali pagkabata na’t magkaroon ng pag-iisip, hindi ibinalita sa atin ang katutubong hinggil sa kanilang mga nasa, ang kanilang pinag-aralan at ang mga iba’t ibang pagkakasiga- sigalot ng buhay ng isang tao upang mapanibulos at matutong gumawi ng di-karaniwang mamalas sa mga kinakasama. Dahil dito’y pagkatapos purihin ko, sa aking loob man lamang, ang pagmamatwid ni Delfin kay Don Ramon at kay Abugado Madlang-layon, ay di ko maabot-isipin kung anong kababalaghan ang nangyari, at ang isang dukha – bagamat peryodista at nag-aaral ng Derecho – at bagong-taong nakakaibig sa isang bathala ng dilag (si Meni), ay makapangahas magsalita sa isang kagalang-galang na ginoo, mayamang ama ng kasi at sinta, ng bala-balaking matatapang at matutulis na pangangatwiran, katulad baga nang sabihing:

“– Hindi po ako – anya – ang una-una lamang nakapagsabi ng ganyan, kundi ang pantas na si Goethe, nang isulat niya ang sagutan ng isang maestro at isang alumno, tungkol sa buong pinagmulan at kasaysayan ng yaman o pag-aari.

Itinanong daw ng nagtuturo: ‘Turan mo, saan galing ang kayamanan ng iyong ama?’ – ‘Sa ama po ng aking ama,’ itinugon daw ng nag-aaral. – ‘At ang sa ama ng iyong ama?’ – ‘Sa ama ng ama ng aking ama.’ – ‘At ang sa ama ng ama ng iyong ama?’ – ‘Ninakaw p……’

Ganoon din naman, si Felipe ay namulat sa kaginhawahan at kabunyiang handog ng kayamanan; ngunit nahigtan pa niya si Delfin sa paglalathala ng nilalayon ng Sosyalismo; si Felipe, na anak ng mayaman, ay siyang mahigpit na kaaway ng kayamanan…

Naroon na rin ako sa katwiran, na ang nobela ay nagsasalaysay ng isang kabuhayan na di man nangyari o nangyayari, ay di naman maliwanag mangyari; ngunit katungkulan ng nobelista ang kathain yaong mga pagkakataon na nagiging sanhing malaki ng ikapangyayari ng kinathang buhay.

Bagaman, kung sa tayo ng Araw, ang buhay ko’y unti-unti nang lulubog at lilisanin ang masayang halamanan ng pakikipagsintahan, ang puso ko, wari ay napupukaw ng mapanintang mga salitaan ni Meni at ni Delfin, noong gabing palarin silang tulungan sa gloryeta ng DILIM upang magkabuhol ang kanilang kapalaran na di namalas ng balawis na paninginni Don Ramon. Ngunit labis sa galak ng aking puso ang pagsuri ng aking mapansining bait; kaya’t di malirip kung anong dahila’t si Meni, na may hiyas ng kagandahan, kayamanan, katalinuhan, karangalan; si Meni, na sukat makita sa kasing-uri ang pagka-Adonis o pagka-Narcisong isang peryodistang Pilipino, laki sa hirap ay… matutong maging isang Julieta ng isang Romeong nagkatawang- tao at pinanganlang Delfin…. Oo na nga’t ang pagsinta’y bulag, ngunit kailangang ipakita ang pagkabulag at ipatanto ang ikinabulag ni Meni. Bukod sa rito, kung si Delfin ay likas na sosyalista, bago niya makilala, bago pagnasaang pintuhuin ang isang Meni ay hahanapin na muna ang kapalaran sa kinalalagyan ng isang Tentay, na kasi at sinta ni Felipe.

Ang ibig kong sabihin, ay malabo ang pagkakapinta sa mga personaheng Delfin at Felipe, at dapat magkaganito, sapagkat ito’y dalawang tipong hindi pa natin nakikilala sa Pilipinas. Saksing pagkatotoo ng palagay kong ito, ang mahusay at ganap na pagkayari sa mga personaheng Don Ramon, Madlang-layon, Don Filemon at Ñora Loleng, sapagkat ang mga tipong ito’y talagang mga buhay sa kapisanang Pilipino, na, sa aking pagkapuna, ay totoong pinagmasdan at inusig ng kumatha ng BANAAG AT SIKAT.

Sinabi ko na. Ang ipinagkaganito ni G. Lope K. Santos ay sa pagkahilig ng kanyang loob sa mga bagong munakala. Bukod sa rito, dapat nating isipin na ang BANAAG AT SIKAT ay isang (tendencia) nilalayon, munimuni o panagimpan ng isang anak-bayang uhaw sa kalayaan at katwiran, na babahagyang ganapin sa mga sinupil ng yaman at puhunan.

Hanggang dito ang masasabi ko sa biglang pagmamalas at bagong bunga na inihahandog ng kumatha; marikit, mabango at wari’y ikinabubusog… .

Maaaring ikabusog, maaari namang ikamatay. Palibhasa’y di pa bihasa ang ating bayan sa Sosyalismo, kailangang huwag bibiglain ang pagkain ng laman ng BANAAG AT SIKAT. At dapat kilanlin, limiin at pag-aralang kanin, sapagkat katulad ng sabi ni Felipe’y, “saanman may mamumuhunan at manggagawa, may maylupa at magsasaka, panginoon at alila, mayaman at dukha, ang mga aral ng Sosyalismo ay kailangan, sapagkat diyan kailanman namumugad ang pagkaapi ng mahina at pagpapasasa ng iilan sa dugo ng karamihan….”

Ang pinakabuod ng BANAAG AT SIKAT…. ah! totoong mapakla, hindi wari bagay sa ating ngalangala. Sa dakong huli ay sinasabi ni Felipe: “Ah! sapagkat sa tibay ay lakas lamang ang makapagguguho; sa kapangyarihan ay kamatayan lamang ang makasusupil. Kaya ang mga hari, ang mga pangulo, ang mga puno ay sinusunod ng buu-buong bayan, ay sapagkat may hawak silang lakas ng kapangyarihan: makapagpaparusa sa sumusuway. Kaya makunat baguhin ang masamang samahan ngayon ng Samba-sambayanan, ay dahil sa pagmmatigas ng mga pamunuan….”

Sa aking sarili, ang mga aral at pangungusap na ito ni Felipe ay dapat ipahatid sa Rusya. Sukat na ang balita sa atin, subali pa nga’t ang sabay at huling pasiya ni Delfin at ni Felipe ay “Iwan nati’t palipasin ang Dilim ng Gabi”…

Palipasin ang dilim ng gabi! Ito ay isang malaking katotohanan at mahalagang katwiran. Sayang ang tayo’y maglakad, kung dahil sa kadiliman ng gabi ay di natin matutuhan ang landas. Tayo muna’y mag-isip-isip bago ikilos ang kamay at paa. Ang ano mang malalaking bagay na nangyari o ginawa ng isang bayan ay nagbuhat muna sa isang pagmumunakala. Bago dumating o nagkatawang- tao si Hesukristo, ay… ginanap muna ang paglalathala ng mga propeta. Bago natin nakamtan ang mga ilang biyaya ng kalayaan, ay pinukaw muna ang ating damdamin at binuksan ang ating pag-iisip ng mga mahahalagang lathala ni Rizal!

Sang-ayon ako sa palagay ni Delfin na “ang Sosyalismo….. ay isang daan o landas lamang na lalong maaliwalas at matuwid, kaysa kasalukuyan nating nilalandas.” Sakali man na ang Sosyalismo ay matuwid at maaliwalas na landas, humimpil muna tayo; kailangan muna ang maliwanag na ilaw ng ating pag-iisip at kailangan din naman ang sariling lakas, upang makatagal sa paglakad. Ang ilaw na lubhang kailangan nati’y ang pagkilala sa tunay na katwiran. Ang pag-iisa, pagdaramayan, pagtitinginan at pag-iibigan, ang siyang tunay na lakas. Yamang malimit banggitin ng kumatha si Juan Grave, mangyayari namang ilagay sa bibig ng matimping loob ni Delfin, ang isang pananagot sa mapusok na si Felipe. Ganito: “Siya na ang kapangyarihan ng karunungan, siya na rin naman ang dahas ng kalakasan. Ang taong marunong (ganoon din ang mayaman) ay di dapat humigit ng pangangailangan, kaysa mahirap.” At dugtungan pa natin ng ganitong sabi: “Lahat ay may katwirang humanap ng ikagiginhawa, lahat ay bahagi lamang ng kapisanan; ang malakas ay tumulong sa mahina, ang marunong ay magturo sa mangmang, nang ang lahat ay tumamo ng kaginhawahan. Kapag ang karunungan at kayamana’y ipinagkait o ipinagmalaki ng iilang mapapalad, libu-libong mahihirap ang maghihimagsik.”

Mga anak-bayan, mga manggagawa, basahin niya ang BANAAG AT SIKAT at malasin kung tapat na sa inyong loob ang bagong landas na kanyang itinuturo sa inyo. Kung sakali at minamagaling, hanapin ninyo at gamitin ang liwanag ng katwiran.

Mga marurunong, mga mayayama’t may-impok na pag-aari, basahin din naman ninyo ang BANAAG AT SIKAT; dito ninyo mapapakinggan ang kalunus-lunos na daing ng mahihirap. Kung kayo ang dahil ng kanilang makamandag na damdamin, huwag ipagkait, madaling igawad ang kaunting lunas na taglay ng labis labis ninyong kaginhawahan.

Huwag katwiranan, nino pa man, na wala pa sa panahon ang pananim ng BANAAG AT SIKAT. Sinasabi sa Florante na:

“Kung maliligo ka’y agad nang aagap

nang di ka abutin ng tabsing ng dagat.”

Noong taong 1902, nang binabalak pa lamang ang pagtatatag ng Kapisanan ng mga Manggagawa, ako’y napamaang at sinasabi ko rin na di pa panahon; ngunit nakikita na natin ang mga nangyayari. Naragdagan na ang upa sa mga manggagawa, marunong na silang magsitutol, malimit na ang aklasan, may kapisanan na silang maayos.

Ang mundo’y lumalakad, ang sabi ng isang paham. Dahil dito’y di mapawawaglit ang Pilipinas sa kilos at paglakad ng Sangkatauhan. Kailanma’t inilathala ang mga pangaral, walang sala at sisibul ang mga damdamin. Ang mga manunulat ay di na nasisiyahan sa pagsasalaysay ng mga palasintahan lamang. Ngayon, bawat katha ay may nilalayon o tinutungo na mahahalagang bagay. Lumipas na ang panahon ng Mil y una noches; di na lubhang pansin sina Esrich, Dumas, atbp. Ngayo’y kapanahunan nina Zola, Tolstoy, Baroja, Kropotkine, Grave, Marx, Reclus, Antich, Malato, Bakounine….

Namamanaag na ang Sosyalismo. Kung kailan ito lalaganap sa Kapilipinuhan, ay di pa natin masasabi, at di naman ito sukat pagtalunan. Ang di natin maipagkkaila ay totoong kumakapal ang bilang ng mga dukha, at saanma’y itinatatag ang kanilang kapisanan ng mga manggagawa.

May nagsasabi – parte interesada – na ang BANAAG AT SIKAT ay parang isang lasong inihalo sa pulot, upang marapating lasapin at lunukin ng mga anak-bayan. – At sa anong dahil? – Anya’y ikagugulo ng bayan, ikapaparam ng kapayapaan. Ito’y maling akala at pagpapalagay na walang wasto. Dapat ipabatid sa mga manggagawa ang lahat ng bagay at pangaral na nasasaklaw ng Sosyalismo. Ang masama’y papanatilihin ang mga taong-bayan sa kamangmangan, sapagkat kung magkaganito, ay padadala sa mga tampalasang udyok ng mga mapagpanggap na manunubos. Ang mga taong-bayan, sa ganang sarili nila, ay maibigin sa kapayapaan. Ibig nilang mabihisan sa kahirapan; ngunit hanggang makaiilag, ay lumalayo sa sigalutan.

Sa madaling sabi: ang BANAAG AT SIKAT ay maaaring huwaran ng mga manunulat ng nobelang tagalog, tungkol sa maayos at magaang pagsasalaysay, ganoon din sa pagkakatnig ng puno at dulo ng salita. Ang mga bahaging “Sa Batis ng Antipulo” at “Sa Isang Pasulatan,” ay mapagkukunang halimbawa ng mabuting halimbawa ng mabuting pagsasalaysay, bagamat maminsan-minsa’ y may mapupunang salitang anaki’y lagdang kastila, katulad ng sinasabi sa bilang 67, bahaging V, na ganito: “Huwag kang matakot: higit kailanma’y ngayon maipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dinaramdam ko!” Marahil ako ang namamali; ngunit ang karaniwang bigkas natin ay ganito: “Ngayon ko lamang makikita ang iyong pagdamay at tunay na pagdaramdam”. Ganoon man, ang mga kabiglaang ito’y maipalalagay na dahon ng maririkit at mababangong bulaklak.

Dapat ding tularan ang adhika ni G. Lope K. Santos na hiyasan ang bawat bahagi ng mga pagkukuro at pagpapalagay, upang mawatasan ang tinutungo ng salita. Walang pakikinabangan sa isang salaysaying walang ibinabalita kundi ang mga nangyari: dapat bigyan ng kahulugan ang nangyari, ihanay ang katwiran kung bakit nangyayari at ipahalumatyag ang mangyayari. Kung payak na palasintahan lamang ang mapupuna; kung wala nang gagawin kundi magsalaysay ng buhay na katuwa-tuwa, o dili kaya’y kagulat-gulat, ang katulad nati’y naghehele lamang sa isang sanggol.

May palagay ako na sa ibang OBRA ay ipakikilala ni G. Lope K. Santos na siya’y mabuting retratista ng kanyang mga personahe. Tila mandin kailangang tularan niya ang ginagawa ng mga dakilang maestro na gaya ni Zola: siyasatin at panooring mabuti ang buhay, bago isulat ang ibubuhay.

Ang BANAAG AT SIKAT ay panganay na anak ng nobelista. Magandang tindig, at matalino. Kulang pa lamang ng pagkilala sa lakad ng panahon at tinutungo ng Sangkatauhan. At ang lalong mabuti sana’y isilid sa puso’t pag-iisip ni Delfin at ni Felipe ang tunay na damdamin ng Inang Bayan: ang maging nasyong malaya’t may kasarinlan.

MACARIO ADRIATICO

Maynila, Disymbre, 1906

Sabado, Marso 29, 2008

Ang Writ of Amparo, Habeas Data at Habeas Corpus

Hinggil sa Karapatan ng Bawat Tao

ANG WRIT OF AMPARO, HABEAS DATA AT HABEAS CORPUS

Nagsasaliksik ako hinggil sa writ of amparo upang isulat na artikulo sa dalawang pahayagang aking pinagsusulatan nang makita ko sa internet yung writ of habeas data. Kaya imbes na writ of amparo lamang ang aking talakayin, tatalakayin ko na rin yung dalawa pa, writ of habeas corpus at writ of habeas data. Ang mga nasaliksik ko’y nais kong ibahagi sa inyo, at baka may mangailangan ay alam natin ang ating mga karapatan. Kung may mga komento o mungkahi, pakipadala lamang. Maraming salamat. - greg

Sa writ of habeas corpus, karaniwang ang mga kamag-anak ng mga desaparecido (o mga dinukot o sapilitang nangawala) ay nagpe-petisyon para sa habeas corpus upang pilitin ang estado na ilabas ang mga taong pinaniniwalaang biktima ng sapilitang pagkawala.

Sa writ of amparo, mapupwersa ang mga ahente ng estado na hanapin ang nawawalang tao. At kung malalaman ng korte na ang mga opisyal ay hindi nagsikap na hanapin ang nawawalang tao, ang mga opisyal na ito’y mananagot. Ito ay ayon kay dating Chief Justice Panganiban.

Sa writ of habeas data naman, ito’y konstitusyonal na karapatan ng bawat tao, at ang mga mga nagsakdal o nagdemanda sa isang korte ay maprotektahan ang lahat ng detalye sa kanyang pagkatao, malaman kung sinu-sino ang may access sa kanyang personal na rekord, at magprotesta laban sa sinumang nag-iingat ng pribadong detalye ng kanyang buhay. (Habeas Data can be brought up by any citizen against any manual or automated data register to find out what information is held about his or her person. That person can request the rectification, actualisation or even the destruction of the personal data held. The legal nature of the individual complaint of Habeas Data is that of voluntary jurisdiction, this means that the person whose privacy is being compromised can be the only one to present it. The Courts do not have any power to initiate the process by themselves.)
Ito ang aking mga nasaliksik sa google:

WRIT OF AMPARO

The writ of amparo is an order issued by a court to protect the constitutional rights of a person. The word "amparo" comes from the Spanish verb "amparar," meaning "to protect."

Former Supreme Court chief justice Artemio Panganiban said in an interview that the writ of amparo has been used in totalitarian countries to protect the rights of victims of disappearances.
In the Philippines , relatives of missing persons usually file a petition for habeas corpus to compel the state to produce persons thought to be victims of forced disappearances.

But Chief Justice Reynato Puno said recently that petitions for habeas corpus usually end up with state agents simply denying they had the missing person in their custody.

Panganiban explained that the writ of amparo would compel state agents to look for the missing person. And if the court were to find that the officials did not exert enough effort in finding the person, it could hold them liable, Panganiban added.

The writ of amparo, however, has not yet been enforced in the country. But Panganiban said it was authorized by the 1987 Constitution when it allowed the Supreme Court to promulgate rules to protect constitutional rights.

The writ of amparo was first instituted in Mexico in 1847. It is recognized in some South American countries and some American states.

WRIT OF HABEAS DATA

The literal translation from Latin of Habeas Data is “you should have the data”. Habeas Data is a constitutional right granted in several countries in Latin-America. It shows variations from country to country, but in general, it is designed to protect, by means of an individual complaint presented to a constitutional court, the image, privacy, honour, information self-determination and freedom of information of a person.

Habeas Data can be brought up by any citizen against any manual or automated data register to find out what information is held about his or her person. That person can request the rectification, actualisation or even the destruction of the personal data held. The legal nature of the individual complaint of Habeas Data is that of voluntary jurisdiction, this means that the person whose privacy is being compromised can be the only one to present it. The Courts do not have any power to initiate the process by themselves.

History

Habeas Data is an individual complaint before a Constitutional Court. The first such complaint is the Habeas Corpus (which is roughly translated as “you should have the body”). Other individual complaints include the writ of mandamus (USA), amparo (Spain and Mexico), and respondeat superior (Taiwan).

The Habeas Data writ itself has a very short history, but its origins can be traced to certain European legal mechanisms that protected individual privacy. This cannot come as a surprise, as Europe is the birthplace of the modern Data Protection. In particular, certain German constitutional rights can be identified as the direct progenitors of the Habeas Data right. In particular, the right to information self-determination was created by the German Constitutional Tribunal by interpretation of the existing rights of human dignity and personality. This is a right to know what type of data are stored on manual and automatic databases about an individual, and it implies that there must be transparency on the gathering and processing of such data. The other direct predecessor of the Habeas Data right is the Council of Europe’s 108th Convention on Data Protection of 1981. The purpose of the convention is to secure the privacy of the individual regarding the automated processing of personal data. To achieve this, several rights are given to the individual, including a right to access their personal data held in an automated database.[1]
The first country to implement Habeas Data was the Federal Republic of Brazil. In 1988, the Brazilian legislature voted a new Constitution, which included a novel right never seen before: the Habeas Data individual complaint. It is expressed as a full constitutional right under article 5, LXXI, Title II, of the Constitution.

Following the Brazilian example, Colombia incorporated the Habeas Data right to its new Constitution in 1991. After that, many countries followed suit and adopted the new legal tool in their respective constitutions: Paraguay in 1992, Peru in 1993, Argentina in 1994, and Ecuador in 1996[2]

WRIT OF HABEAS CORPUS

Writ of habeas corpus ad subjiciendum is a summons with the force of a court order addressed to the custodian (such as a prison official) demanding that a prisoner be brought before the court, together with proof of authority, so that the court can determine whether that custodian has lawful authority to hold that person, or, if not, the person should be released from custody. The prisoner, or some other person on his behalf (for example, where the prisoner is being held incommunicado), may petition the court or an individual judge for a writ of habeas corpus.

The right of habeas corpus—or rather, the right to petition for the writ—has long been celebrated as the most efficient safeguard of the liberty of the subject. Albert Venn Dicey wrote that the Habeas Corpus Acts "declare no principle and define no rights, but they are for practical purposes worth a hundred constitutional articles guaranteeing individual liberty." In most countries, however, the procedure of habeas corpus can be suspended in time of national emergency. In most civil law jurisdictions, comparable provisions exist, but they may not be called "habeas corpus."2

The writ of habeas corpus is one of what are called the "extraordinary", "common law", or "prerogative writs", which were historically issued by the courts in the name of the monarch to control inferior courts and public authorities within the kingdom. The most common of the other such prerogative writs are quo warranto, prohibito, mandamus, procedendo, and certiorari. When the United States declared independence and became a constitutional republic in which the people are the sovereign, any person, in the name of the people, acquired authority to initiate such writs.

The due process for such petitions is not simply civil or criminal, because they incorporate the presumption of nonauthority, so that the official who is the respondent has the burden to prove his authority to do or not do something, failing which the court has no discretion but to decide for the petitioner, who may be any person, not just an interested party. In this they differ from a motion in a civil process in which the burden of proof is on the movant, and in which there can be an issue of standing.

Biyernes, Marso 28, 2008

Paninindigan ng BMP laban sa JPEPA

Paninindigan ng BMP laban sa JPEPA
(isinalin mula sa orihinal na Ingles ni Greg Bituin Jr., manunulat ng pahayagang Obrero)
- nalathala ito sa pahayagang Obrero noong Oktubre 2007 isyu nito

Panawagan ng Manggagawa: Ibasura ang JPEPA!

Kinokondena namin, kaming mga manggagawa mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino at kasapi ng mga alyadong samahan mula sa sektor ng mga maralita ng lunsod at magsasaka, ang pamahalaang Pilipinas dahil sa paglagda nito sa Japan-Philippines Economic Partnership Agreement noong Setyembre 8, 2006 sa Helsinki, Finland nang walang konsultasyon sa mamamayan lalo na sa mga sektor na apektado ng kasunduang ito.

Ngayon, napwersa ng gobyernong pakinggan ang panawagan ng publiko upang sang-ayunan at ratipikahan ang JPEPA, nananawagan kami sa ating mga senador na maging isa sa publiko at sa mamamayan sa pagbasura sa kasunduang ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

Una, ang kasaysayan ng kasunduan sa ekonomya sa pagitan ng Japan at ng Pilipinas ay karaniwang inilalarawan sa pagsasabing ang Japan ang pinakamalaking pinagmumulan ng direktang dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas at gayundin naman, ang pinakamalaking pagkukunan ng bansa ng opisyal na tulong pangkaunlaran. Noong 2003, ang lumalaking bugso ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng $22.1B, habang ang kabuuang ODA mula sa Japan nong 2002 ay nagkakahalaga ng kabuuang 41.4 bilyong yen. Gayunpaman, pagkalipas ng 20 taon ng pamumuhunan, pakikipagkalakalan at pangungutang, ang lumang kasunduang pang-ekonomya sa pamamagitan ng 1979 RP-Japan Treaty of Amity, Commerce and Navigation ay nakakapaglikha lamang ng maliit na ganansya para sa Pilipinas. Sa katunayan, nasa 55.5% ang bahagi ng mga pautang ng bilateral ODA ng Japan, at noong 1996, 60% ng mga pautang na ito ay natali sa mga kondisyon tulad ng pagkuha ng mga makinarya ng Japan, atbp.

Ikalawa, kahit na nananatili pa ring ang Japan ang ikalawang destinasyon ng pagluluwas ng mga produkto ng Pilipinas tulad ng prutas, gulay, produktong mula sa dagat at iba pang produktong elektronik at semiconductor, ang paglaga ng halaga ng kalakal sa pagluluwas at pagpasok kasabay ng Japan, o ang balance ng kalakalan ng bansa sa nakaraang anim na taon, ay nananatiling kapos. Nananatili ang bansa bilang tagaluwas ng mga produktong Hapon kung saan mas mataas ang halaga ng import sa eksport ng may taunang pinatakang halaga na $ 949,149,501 M US para sa taon 2000-2006.

Sa mga huling pag-aaral (Vibal, 2007) ng Task Force Food Sovereignty na nagsasabing ang mga eksport ng Pilipinas sa japan ay binubuo pangunahin ng mga produktong industryal na may pinatakang halaga na 77% ng kabuuang eksport sa Japan. Ang bahagi ng tubo ay nasa pinatakang halaga ng $ 6.9B US. Sa pagitan ng mga produktong industryal, ang mga elektroniko ang pinakamalaking bulto ng eksport, kasunod ay makina at kagamitang pambiyahe at bahagi nito.

Ikatlo, bagamat binigyang pansin ng pinondohan-ng- gobyernong pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies or PIDS na ang pagbabawas at pagtatanggal ng taripa sa JPEPA ay mahalaga sa pagpapatatag ng pagsasamang pang-ekonomya ng Japan at Pilipinas at mahalaga rin itong bahagi ng kasunduan, kasama ang bahagi ng isang posibleng kasunduan sa malayang kalakalan (upang hustong umaayons sa Artikulo XXIV ng General Agreement on Tariffs and Trade).

Gayunpaman, habang inaasahang babaan at sa kalaunan ay mawala na ang taripa sa mga produktong agrikultural at industryal ng Pilipinas, ang tinutukoy naman ng mga Hapon ang kahirapan ng pagtatanggal ng taripa sa sektor ng agrikultura at pangingisda dahil sa maraming gampanin ng mga sektor na ito. Sa katunayan, hinihiling ng mga kinatawan ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa Japan na malibre na ang ilang produktong agrikultura at pangingisda mula sa pagtatanggal ng taripa tulad ng prutas, gulay at sardines. Dagdag pa rito, nailibre ng Japan ang 32 sa mga industryal na produkto nito sa pagtanggal ng taripa.

Ikaapat, ang pagpasok ng mumurahing imported na produktong agrikultura at pangingisda, pati na iba pang panindang industryal tulad ng mga sobrang kagamitang elektrikal ng Japan at kahit na ang mga nagamit nang mga damit ay magtutulak upang bumaba ang presyo ng pangunahing mga bilihin sa maikling panahon lamang, ngunit sa pangmatagalan, napakasama ng epekto ng pagpasok ng mga murang produkto mula sa Japan sa ating seguridad sa pagkain at sa ating lokal na industriya (tulad ng agrikultura at pangingisda, kasuotan at tela, elektroniko, atbp.)

Para sa sektor ng paggawa, bagamat may pangungusap sa paggawa sa ilalim ng Investment and Labor section ng JPEPA, tulad ng Artikulo103 sa Kabanata 8 na nagsasabing “na dapat sa walang pagbaba sa mga batas paggawa sa bansa kapag nanghimok ng pagpasok ng pamumuhunan sa bansa at ang mga pamantayan sa paggawa na isinasaad ng International Labor Organization (ILO) ay ipatutupad tulad ng minimu wage, oras ng trabaho, kalusugan at kaligtasan.”

Gayunpaman, ang pangungusap na ito sa paggawa ay salungat sa probisyon ng Review of Laws and Regulations (Artikulo 4, Kabanata 1) ng JPEPA na ipinagkakasundo na tungkulin ng bawat partido na: “Timbangin ang posibilidad ng pag-amyenda at pagpapawalangbisa ng mga batas at alituntuning may kaugnayan sa JPEPA kung wala na ang mga kalagayan at layunin para ito pagtibayin o kung ang mga kalagayan at layunin ay maaaring malutas sa paraang kaunti ang limitasyon sa kalakalan.”

Para sa sektor ng paggawa, ang ibig sabihin ng “kaunti ang limitasyon sa kalakalan” na ang proteksyon ng pamumuhunan ay mas mahalaga kaysa iba pang usapin kahit na sa proteksyon ng karapatan at pamantayan sa paggawa. Sa katunayan, bagamat walang batas na sumasang-ayon halimbawa sa polisiyang “walang unyon, walang welga” sa mga espesyal na pang-ekonomikong sona, ang di-tamang gawaing ito ay ginagawa at maaari ring lumaganap pa kapag nalagdaan na bilang tratado ang JPEPA at nagkabisa na.

Panghuli, isa sa pangunahing katwiran ng administrasyong Arroyo sa pagtulak ng JPEPA ay ang umano’y pag-eksport ng wala pang isanlibong caregiver at mga nars bawat taon. Gayunpaman, maraming mga tanong hinggil sa mga mahigpit na rekisito at mapamiling alituntuning nakasaad sa parehong probisyon sa ilalim ng JPEPA, na nagsisilbing kaduda-duda ang sinseridad ng gobyernong Japan sa pagpasok ng ating mga health professional sa kanilang sistemang healthcare. Dagdag pa, may tumitinding pag-aalala sa kabuuang konstribusyon na ang kasunduan ay merong tinatawag na social cost ng migrasyon, pati na rin pagkaubos ng mga kinakailangang health worker, na kinatatakutang resulta ng pagbaba ng kalidad ng sistema ng kalusugan sa bansa.

Sinasalamin ng JPEPA ang patuloy nitong paiba-ibang pagtangan sa negosasyong pangkalakalan – dahil lamang wala tayong malinaw na pambansang balangkas ng pagsulong (national development framework) sa pagpasok sa mga katulad nitong kasunduan sa malayang kalakalan. Ang ilan pa sa mga pangunahing usapin ng “pambansang balangkas ng pagsulong” na ito ay dapat manindigang dapat isama ang proteksyon at paglikha ng trabaho, independensya sa pagkain, proteksyon sa kapaligiran at kalikasan, at marami pang iba. Sa huli, tiyak na tatama sa mga pangunahing sektor at sa taumbayan ang masamang epekto ng JPEPA.

04 Setyembre 2007
Maynila, Pilipinas